Maagang Pagbubuntis
"Talumpati ukol sa Maagang Pagbubuntis" Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nahahantong sa kalagayan ito. Sa murang edad ng kanilang pagdadalang tao, alam na kaya nila na ang maagang pagbubuntis isang malaking responsibilidad na kaakibat? Alam natin na hindi madali ang pagpapamilya o pagkakaroon ng anak ng lalong lalo na sa murang edad at sa walang tamang panahon. Ngunit sino-sino nga ba ang dapat may kasalanan sa mga kaganapang ito? Ang mga magulang ba? o ang mga kaibigan? o ang mga lalaki? o kaya naman ang sarili? Bilang magulang, nasisiguro mo bang nagagampanan mo ang iyong responsibilidad sa iyong mga anak? Hindi kaya dahil sa inyong kapabayaan humantong sa gantong kalagayam ang anak ninyo o kaya dahil sa kaluwagan kaya malaya nilang nagagawa ang nais nilang gawin. Bilang mga magulang dapat alam ninyong responsibilid...