Maagang Pagbubuntis
"Talumpati ukol sa Maagang Pagbubuntis"
Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nahahantong sa kalagayan ito. Sa murang edad ng kanilang pagdadalang tao, alam na kaya nila na ang maagang pagbubuntis isang malaking responsibilidad na kaakibat? Alam natin na hindi madali ang pagpapamilya o pagkakaroon ng anak ng lalong lalo na sa murang edad at sa walang tamang panahon. Ngunit sino-sino nga ba ang dapat may kasalanan sa mga kaganapang ito? Ang mga magulang ba? o ang mga kaibigan? o ang mga lalaki? o kaya naman ang sarili?
Bilang magulang, nasisiguro mo bang nagagampanan mo ang iyong responsibilidad sa iyong mga anak? Hindi kaya dahil sa inyong kapabayaan humantong sa gantong kalagayam ang anak ninyo o kaya dahil sa kaluwagan kaya malaya nilang nagagawa ang nais nilang gawin. Bilang mga magulang dapat alam ninyong responsibilidad niyo na gabayan at payuhan ang inyong mga anak sa bawat gagawin bagay sa mundong ibabaw na ito. Napaka importante din na kausap sila ukol sa tamang panahon na pagpapamilya. Higit na makakatulong sa ating mga kabataan kung mismong ang ating mga magulang ang siyang magbibigay payo sa atin lalo na sa mga napapanahong isyung ganito. Lalo natin ito maiintindihan kapag mula sa kanila ang payo sapagkat alam naman natin na ang mga magulang natin ay pinagdaanan din ang mga sitwasyon na ito. Ngunit sa lahat ng ito mahalaga parin na ipakita ang pagmamahal ng isang magulang sa kanilang anak na walang halong o bahid na taglay ng lakas ng iba. Sana maging daan ito sa pagbukas o pagmulat ng kaisipan natin sa lahat ng bagay upang maramdaman natin ang pagiging anak na kahit mawalan man tayo ng kaibigan, may magulang tayong maasahan sa lahat ng bagay at matatakbuhan sa kahit ano pa man.
Bilang kaibigan, maituturing nyo bang tunay kayong kaibigan? O di kaya'y kaibigan na tagapaghatid lamang sa kapahamakan ng isa. Bawat isa sa atin, alam natin na lahat tayo bilang tao ay kailangan ng kaibigan, kaibigan na kasama natin sa bawat kasiyahan at katuwaan at karamay sa panahon tayo ay may problema at may tinataglay ng kalungkutan sa buhay. Ngunit sino nga ba ang mga tunay na kaibigan? Alam natin hindi lahat ng tao sa mundong ibabaw na ito ay mabuting kaibigan, may iba kaibigan lang tayo kapag may kailangan satin. Meron namang iba na ang lagi sinasabi'y "Gawin mo kung anong ikakasaya mo." Oo tama nga naman sila dapat tayong maging masaya para sa mga kaibigan natin, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon, Minsan kailangan din natin silang pagsabihan, pagsabihan sila kung ano man ang wasto. Bilang kaibigan responsibilidan natin na isama sila sa tamang daan at hindi sa baluktot na daan. Lagi nating pagkakatandaan, na ang mabuting kaibigan ay dapat laging totoo sa kahit kanino man.
Bilang lalaki naman sa relasyong, ikaw dapat ang nakakaalam ng limitasyon ninyo. Mahalaga rin sa isang lalaki sa relasyong alamin ang salitang "respeto". Dahil kung nirerespeto mo siya magagawa mong maghintay sa tamang panahon na kayo ay handa na maging mag-asawa. Hindi mo kailangan magmadali dahil ang mga bagay-bagay ay mas magiging masaya at matagumpay kung inilalaan ito sa tamang panahon.
Bilang babae namn sa relasyong, ikaw ang dapat mas nakakaalam ng limitasyon mo. Sa patuloy ng pag-usad ng relasyon ninyo dapat lagi mong isaisip na pwede mong ibigay ang lahat wag lang ang katago-tagoan ng katawan mo. Kahit yan lang ang itira mo sa sarili mo. Lahat ng taong nakapaligid sayo ay akin nasisi na, subalit sinuman sa kanila ay walang magagawa sa iyong kagustuhan gawin. Bandang huli lahat ng ito ay babagsak padin sa iyong kaluwagan. Sana kahit minsan matuto kang mag-isip muna kung tama ba o mali ang ginagawa mo. Sapagkat ikaw din ang mahihirapan bandang huli. Ikaw ang magdadala ng bata sa iyong sinapupunan sa look ng siyam (9) na buwan, ikaw rin ang mahihirapang manganak, ata ang masaklap ay kung wala kang maipakain sa inyong anak dulot ng kahirapan, hindi ba't napakasaklap?
Bilang kabuuan ng lahat ng ito, nais kong malaman niyo na ang pagpapamilya ay hindi madali lamang sapagkat ito ay may kaakibat na malaking responsibilidad. Responsibilidad na lagi dapat nating isaisip muna. Sapagkat bandang huli ikaw rin ang magsasakripisyo sa mga maling desisyon mo. Desisyon na dapat natin gamitan ng masusing pag-iisip bago gawin. Isaisip ng hindi bandang huli ay magsisi. Lagi din natin pagkakatandaan na hindi masama magmahal kung nasa tama naman ang ginagawa niyo. Masamang magmahal lamang kung mismong kinakatago ng katawan mo ay binigay mo na walang masusing pag-iisip.
How to get into the Casino at the Wynn & Encore | JTM Hub
TumugonBurahinThere are 양주 출장안마 two entrances at the Wynn and 김제 출장마사지 Encore. First, the 광주광역 출장샵 main casino 아산 출장안마 entrance is the Wynn Casino and Resort, which is the only one in Las Vegas, 양산 출장안마